Forgiveness

This is a topic I have always wanted to write about but is always sent directly to drafts after; probably because I still want to protect the image of some people even though they’ve done me wrong. So if you’re reading this, hug me because it means that I decided to finally share my story of forgiveness to you.

[Disclaimer: This post is going to be in Tagalog para mas damang dama ‘yung feels.]

Paano nga ba magpatawad?

Sobrang hirap, ‘no? Lalo na kung sobra sobrang emosyon ‘yung naidulot sa’yo nung tao. Mapa-galit man o sakit. Lalo na kung hindi mo man lang narinig na humingi ng patawad sa’yo ‘yung tao.. Napakahirap magpatawad.

Pero paano kung hindi naman pala alam nung taong ‘yun na nasaktan ka n’ya? Paano kung nawalan na kayo’t lahat ng komunikasyon pero hindi pa rin n’ya alam na galit ka sa kanya? Paano kung naka-move on na ang lahat ng tao sa mundo, pero ikaw, nand’yan pa rin, stuck pa rin, nagtatanim pa rin ng galit sa kanya?

Kwentuhan ko kayo. Tutal, doon naman ako mahilig. Mag-kwento.

Siguro may ilan sa inyo na nakaka-alala pa rin dun sa naging boyfriend ko bago si Wel. Matagal tagal rin, halos dalawang taon. Okay naman lahat, hanggang sa ayun, life happened. Natapos rin.. Pero kahit na tapos na kami, hindi pa rin ako tumitigil ng pagpapakatanga sa kanya. Alala ko no’n, ilang buwan pagkatapos namin mag-hiwalay, may naging girl siya. (Hindi ko nalang sasabihin kung ‘yun pa rin ‘yung girl hanggang ngayon.) Kapag magka-away sila, sa akin siya tatakbo pabalik, sasabihin sa akin na ako pa rin naman pala daw talaga, na wala naman daw papantay sa akin (like hello as if di ko yun alam? charot), at ako naman itong si (alam-nyo-na) tanga, tanggap. Hanggang sa bigla nalang ulit siyang mawawala sa akin, malalaman ko nalang na ayun nga, bumalik na siya kay girly.

HAHA. Ang tanga ko.

Ilang buwan na ganun. Ilang buwan rin ‘yung pagpapaka-martyr. Hanggang sa natauhan ako. Narealize ko na ang ganda ganda ko naman para gaguhin lang ng ganun. Charot. Hahaha. Pero syempre, ikaw na dapat nag-aangat sa sarili mo. Self-love. Isa ‘yan sa mga natutunan ko talaga nung mga panahong ‘yun.

Dumating si Wel. Medyo basag pa rin pero nabubuo na. Unti-unti nang nakakabangon.

Hanggang sa nalaman ni ex na masaya na ako; na may iba nang sumusubok na magpasaya sa akin. Bumalik si Kuya mo; umiiyak; ako pa rin daw. Nung nakita daw n’ya ‘yung post ko sa Twitter (kasi nag-post ako nun ng picture namin ni Wel sa Twitter), narealize daw niya na ako pa rin daw pala talaga. Selfish.

Tapos makikita ko kinabukasan sa mall na kasama si girly, ka-holding hands?

WAG AKO.

Galit na galit ako nun. Sobra sobra na ‘yun. Hindi na ‘yun tama. Hindi mo kailangang gawin ‘yung ganun sa isang tao lalo na kung alam mong minahal ka naman nung tao. Kapag nakikita mo nang masaya, ‘wag ka nang gago. ‘Wag mo nang guluhin pa. Kasi kita mo nang masaya na siya na wala ka, tapos babalik ka na naman. ‘Wag ganun. Sobra ka na.

2014 ‘yun. Wala akong narinig na sorry sa kanya hanggang ngayon. Ang tanging narinig ko lang na sinabi n’ya ay inamin na niya sa sarili n’yang gago daw talaga siya noon. Sobrang gago daw n’ya nga talaga noon sa’kin. Lately lang ‘yan. Pero hindi ko sa kanya mismo narinig. Sinabi n’ya lang sa kaibigan ko pagkatapos ng tatlong taon. Isa pa, alam ko at aminado naman ako na hindi din naman ako naging perpektong girlfriend sa kanya.

Pero kung iisipin mo, kailangan pa ba talagang marinig kong mag-sorry? Kailangan pa ba talagang hintayin ko na kausapin n’ya ako, umiyak, makitang nagsisisi siya sa mga nagawa n’ya sa akin, at nag-so-sorry? Kung tatlong taon nga bago n’ya maamin na naging gago s’ya sa akin noon, kung siguro naghihintay pala ako ng sorry n’ya, malamang tatlong taon rin akong inaamag kakahintay ng paghingi ng tawad n’ya.

Ang kaso, hindi. Pinatawad ko na. Hindi para sa kanya kundi para sa sarili ko. Kasi may taong handa nang magpasaya sa akin and I won’t completely be happy kapag nagtatanim pa rin ako ng galit sa puso ko.

Gaya nalang nitong isa ko pang kwento. ‘Wag kayong mag-alala. Last na ‘tong kwento, hindi ko lalahatin. Hahahaha.

Merong talagang isang tao na kahit anong pilit nating intindihin, hindi natin maintindihan. Kung bakit n’ya nagagawa itong ganitong bagay, kung bakit hindi n’ya naiisip ‘yung mararamdaman mo, kung bakit napaka-selfish n’ya na hindi niya narerealize na may mga relasyon na unti-unting nasisira dahil sa mga bagay na nagagawa niya. Insensitive. Patuloy pa ring ginagawa ang mga bagay dahil sa tingin n’ya ay okay lang kahit hindi. Kinausap mo na, kinausap n’yo na, pero siguro ganun na lang talaga siya. Wala na tayong magagawa kundi tanggapin.

Ang bigat bigat nitong kwentong ‘to sa’kin.

Sa totoo lang, mas mabigat ‘tong nararamdaman ko dito kumpara sa nauna kong kwento. Na kahit anong gusto ko na ilabas lahat, ikwento lahat, hindi ko magawa, dahil hanggang ngayon, hindi ko masasabing tapos na talaga siya. Two years and counting na din. Basta to summarize, masakit. Hindi kagaya nung una na dahil ng galit. Ito masakit; sobrang sakit. Paminsan minsan nasasaktan pa rin ako.. Pero wala akong magawa sa sitwasyon. Kahit anong pilit kong ayusin, hindi ko maayos ayos.

Gusto kong sabihin na napatawad ko na. Gusto kong sabihin na okay na. Kasi ‘yun ang sinasabi ko sa mga kaibigan ko, e. At totoo ‘yun. Hindi ko man completely napapatawad pa, alam kong papunta na ako dun. Kasi gusto ko nang i-let go.. Gusto ko nang bitawan.. Ayoko na ng pain na dala dala sa puso ko. At ayaw ko nang maging connected sa kanya sa ganitong dahilan. Kasi alam n’yo, kapag hindi ka nagpatawad, you will forever be connected with that person through this emotional steel na tanging forgiveness lang ang makakatibag.

Sabi nga, it takes time to forgive because it takes strength to forgive. ‘Wag nating hayaan na tumigas ‘yung puso natin dahil hindi tayo marunong magpatawad. Let it go. Just let it go and don’t try to control everything. Let God control your life. I’ve learned it a long time ago and ever since I started giving up everything to Him, all these things that are happening – good or bad – e alam kong naka-plano talaga para sa akin. Everything that is happening to us is really meant to happen. Lahat ng bagay may rason. Parang etong post ko, may rason kung bakit ko ‘to sinusulat at may rason rin kung bakit mo ‘to binabasa.

Isa pa, sarili lang rin natin ang tinutulungan natin kapag nagpatawad tayo. Kasi you’re freeing yourself from pain, from grudge, from anger, from all the negativity that is holding you back.. At hindi ka ba proud sa sarili mo para dun?

Totoong napakahirap magpatawad. Pero kaya.

Kayanin mo para sa sarili mo.

For your inner peace, for your own happiness.

Always remember that God is with you.. :)

Love,
Amielle

26 thoughts on “Forgiveness

  1. Kat says:

    Totoo yan. Mahirap magpatawad pero kailangan natin matutunan at gawin, hindi para sa kanila, kundi para sa atin. Mahirap siya na lesson pero need talaga yan matutunan :)

    Liked by 1 person

  2. Thea says:

    Omg I wrote something like this and all that. May patagalog tagalog din ako pero di ko napost post.
    Pero totoo to, I too believe na forgiveness is a gift to yourself. Higit sa maibibigay mo sa pinapatawad mo, para talaga sayo yun. Kasi sobrang hirap yung forever kang nasasaktan and nagagalit. It takes time pero I love how you think about it that way. Hindi lahat alam yang pagpapatawad in a sense na para sa peace of mind. :)

    Liked by 1 person

  3. intrepidiam says:

    Isang malaking “bugtong hininga”. I admire you para sa lahat. I may not know you personally but what’s wrong with trying to be friends with you ngayon ( I hope it will be). Iyong mga pinagdaanan mo, not that far from mine. At ang masasabi ko lang sa end of this, it takesa courageous person to divulge such story and acknowledge forgiveness esp. kung hindi nila hinihinhi ang kapatawaran~
    You’re brave. And I hope that whatever new punches pa ang dumating sa mga lives natin, magagawa ulit natin ito ng paulit-ukut pa.

    Liked by 1 person

  4. Joy Generoso says:

    Agree na agree ako girl, forgiveness gives peace and happiness. Nakakatuwa magbasa ng kwento para akong bumabalik sa pagka early 20’s ko hahaha. Kasi dumaan din ako sa ganyang klaseng ka-toxic na relationship. Mga lalaking selfish at walang kwenta. Kaya DON’T ME, DON’T YOU and DON’T US talaga di ba? :-)

    Like

  5. RheaAngeline says:

    Magandang basahin ang 5 Languages of Apology ni Tito Gary Chapman. Dun ko din naintindihan na kaya kong magpatawad kahit hindi humihingi ng patawad ang nagkasala. Sabi naman sakin ni Tito Lewis Smedes isang gabi, and I quote, โ€œTo forgive is to set a prisoner free, only to finally discover that the prisoner was you!โ€

    Haha.

    Masaya akong napatawad mo na si kuya sa unang kwento. Kumusta na ang puso mo sa pangalawang kwento?

    IDK if related itong blog ko: https://angelien0625.wordpress.com/2015/07/27/choose-to-care/

    Like

    • Amielle De Torres says:

      Haven’t heard of the book pero i-check ko ‘yan, Ate. ‘Di ako makapag-focus lately sa mga novels eh. ‘Di ako makatapos. Try ko nga ‘yang mga ganyang self-help keme-ish. :)

      Nako, ‘yung pangalawang taong involved ang (isa sa mga) dahilan Ate bakit nagawa ‘yung isang blog. NAKAKALOKA. Nabasa ata n’ya tapos sabi n’ya (na nakarating sa’kin) bakit daw kung ano anong sinasabi ko on MY blog tapos ‘di n’ya ata magets na ‘yung pagsusulat ko ang way of letting it all out. Ewan ko. Nasstress ako minsan sa kanya pa rin HAHAHA.

      Sige. Basahin ko ‘yan, Ate :)

      Liked by 1 person

    • RheaAngeline says:

      Bakit nga kaya may mga ganyang klaseng tao sa buhay natin ano? If we want to ruin them, edi sana sa social media tayo naglabas ng mga kaisipan at nararamdaman natin nang walang pagtitimpi at pagpipigil diba? On a lighter note, follower natin sila sa blogs natin. Haha. Most probably mas nauuna pa silang magbasa ng mga piblished blogs natin kaysa sa mga bloggers. Haha.

      Like

  6. nocturnalmomtalks says:

    Good job, Amielle! Mahirap magpatawad talaga pero kapag nag forgive ka, sarili mo ang binibigyan mo
    Ng pabor dahil nagiging free ka na sa pain and negativity. Lagi kong tinatandaan yung payo ng friend ko na sabi ni Lord sa bible “vengeance is mine” (tama ba spell? Haha!) For sure bibigyan sila lesson hindi para mapasama yung mga taong nakasakit pero para sila rin ay matuto. Minsan may ugali ako na nagtatanim ng sama ng loob pero kapag napatawad ko na, okay naman na ako. Hindi na nga lang maibabalik yung closeness pero magaan pa rin sa pakiramdam dahil alam mong tapos na yung bitterness. May ganto akong eksena sa kaibigan at ibang katrabaho dati. Hehe. Stay pretty!

    Like

  7. Aubrey says:

    Ito yung isa sa madali para sa akin, yung magpatawad ng tao. PERO kapag nasagad na yung galit ko, hindi ako nagpapatawad, kinakalimutan ko nalang yung existence ng tao haha. So far tatlong tao palang naman ang ganun sa buhay ko, mahirap, masakit, lalo minsan sa sobrang sakit ng ginawa sa akin, napapanaginipan ko pa, pero ngayon siguro dahil sa panahon, okay na ako, hindi na mabigat, pero ganun parin, di parin sila nageexist :P

    Like

Any thoughts?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s